Pagtanggal sa Traffic Obstructions

Para tuluyan nang mawala ang mga istraktura at ibang sagabal sa daloy ng trapiko sa Quezon City, inatasan ni Mayor Herbert Bautista ang hepe ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na si Chief Elmo San Diego na tanggalin ang mga illegal terminal ng jeep at tricycle sa gilid ng mga kalsada.

Inatasan din ni Bautista si San Diego na agad na pinturahan ang mga lehitimong terminal sa lungsod upang agad makilala ang mga ito mula sa mga colorum terminal.

Aniya, malaki ang kanyang paniwala na ang pagkakaroon ng matinding trapiko sa Quezon City ay dulot ng mga illegal terminal gayundin ang mga bangketa na ginagamit ng terminals ng mga tricycle at jeepney.

Binigyang diin ni Bautista na matindi ang ipatutupad na batas ng kanyang pamunuan laban sa mga colorum tricycle at jeepney operator na gumagamit ng mga lansangan para sa kanilang operasyon.

Napag-alaman na may 5,000 colorum tricycle ang pumapasada sa lungsod. Sa isinagawang anticolorum operation ng DPOS ay may 377 tricycle ang hinuli at nakaimpound ngayon.

(source: Balita ePaper)

============

Isa na naman itong MAGANDANG IDEYA mula sa www.magandangideya.com
Para sa iba pang magagandang ideya, making sa TALAKAYAN at KALUSUGAN
DWBL 1242 Monday-Friday 4 to 5 pm