Ayon sa isang opisyal ng Department of Science and Technology (DoST), lalarga na sa susunod na buwan ang kauna-unahang Filipino-designed electric-powered Automated Guideway Transit System (AGTS) o mas kilala bilang monorail, sa 150 metrong habang test track sa loob ng DOST complex sa Bicutan. A monorail ay isang rail-based transportation system kagaya ng MRT o LRT pero ang tren ay sinusuportahan lamang ng isang rail o guiya.
Ayon kay DOST Assistant Secretary Robert O. Dizon, dalawang test-chassis ng AGTS ang maari nang gamitin sa susunod na buwan. Si Dizon, na isa ring inhinyero, ay siya mismong namumuno sa AGTS design team na binubuo ng mga batang engineer na DOST. Ang test track kung saan susubukan ang mga AGTS test units ay kasalukuyang tinatapos sa loob ng DOST complex sa Bicutan, Taguig City. Bukod dito, meron ding binubuong demonstration rail track na may habang dalawang kilometro sa loob ng University of the Philippines sa Diliman at inaasahang matatapos sa kalgitnaan ng taon.
“I believe that our AGTS design suits local conditions for mobility. We want to ease travel around highly populated urban centers particularly Metro Manila and the rapidly industrializing adjacent provinces,“ sabi ni DoST Secretary Mario G. Montejo.
Ayon sa DOST, ang monorail o AGTS ay magandang gamitin para sa pampublikong transportasyon sa loob ng Intramuros, lalo na’t maraming mga paaralan at mga establisimiyento sa loob at paligid ng Walled City. Ayon kay Montejo, ang monorail bilang mass transit system ay hindi bago sa Pilipinas at ginamit na noong panahon pa ng mga Espanyol.
Sa paggawa ng disenyo ng AGTS, pinag-aralan ng design team ang mga natatanging geographical layout sa mga lungsod at lalawigan ng Pilipinas. Kinonsidera na rin nila ang tropical weather conditions sa bansa. Ang disenyong ito ng AGTS ay di hamak na mas mura kesa sa imported na mga mass transit systems na kasulukuyang ginagamit sa Kamaynilaan.
============
Para sa iba pang MAGANDANG IDEYA, makinig sa TALAKAYAN at KALUSUGAN DWBL 1242 Monday-Friday 4 to 5 pm pati na rin sa The Big NM – Network Management for Filipinos at The Best Philippine Attractions









