Water Taxi Atraksiyon sa Isang Pasyalan sa Laguna

May bagong pasyalan na hindi kalayuan sa Metro Manila kung saan bukod sa puwedeng magbonding ang buong pamilya ay magkakaroon din sila ng kaalaman sa pangangalaga sa kalikasan.



Sa ulat ng GMA News anchor Pia Arcangel para sa 24 Oras nitong Sabado, ipinakita niya ang magandang tanawin sa Nuvali, Sta Rosa, Laguna. Karamihan sa mga tema rito ay tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.

Kabilang na rito ang fish feeding kung saan maaaring magpakain ng mga isda sa halagang P15 lang. Mayroong ding weekend bazaar na bukas mula 10:00 am hanggang 10:00 p.m.

Pangunahing atraksyon naman ang water taxi na naglalayag sa man-made lake na siyang nagiging tagasalo ng tubig-ulan. Mayroon ding museum na puwedeng puntahan kung saan itinuturo ang pag-recycle at pagtitipid sa enerhiya.

Bukod sa pagtitipid sa enerhiya, may matututunan din dito ang tungkol sa pangangalaga sa kalusugan.

“Anyone can come in and visit us anytime. They can view, see the lake, ride the boat and play outdoor adventure games,” pag-imbita ni Kristine Travino, estate manager sa lugar.

(source: GMA News Online)