Isang eco-friendly transport ang pagbibisikleta na makatutulong sa pagresolba ng polusyon at trapik sa Metro Manila. Lumulusaw ito ng stress at mainam na ehersisyo na hindi kumokonsumo ng krudo.
May mga proposal sa Senado upang mailatag ang mga biking lane nang maitaguyod ang pagbibisikleta bilang sport. Inatasan ang Department of Transportation and Communications na gumawa ng mga bicycle lane, parking at support facilities nito. Hinimok din ang mga pampubliko at pribadong kumpanya na magkaroon ng bicycle racks.
Isang kahalintulad na proposal din ang inihain sa Kamara na nag-aatas sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglatag ng mga bicycle lane sa angkop na bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Hinihimok din ang MMDA ang 17 lalawigan at lungsod na maglaan ng espesyal na daan para sa mga biker. Ibinabalik ng Marikina City ang 52-kilometrong bicycle lane network nito na inilatag noong 2003 para sa paglulunsad ng “Make it Marikina! Year 2012“ campaign upang maipakita ang mga produkto at serbisyo nito at isulong ang isang malusog na pamumuhay ng mga residente sa pamamagitan ng pagbibisikleta.
Ayon sa isang pag-aaral ng Harvard School of Public Health sa Boston, United States, ang mga siklistang gumagamit ang espesyal na bike-only na daanan na hiwalay sa trapiko ay mas kakaunti lamang ang naaaksidente kumpara sa mga siklistang bumabagtas na kasabay ng mga sasakyan. Ayon naman sa pag-aaral ng University of Texas na mas ligtas ang mga motorista kapag may mga bike lane.
May mga payag at tutol sa pagkakaroon ng bicycle lanes, at kailangang pag-aralan itong mabuti. Mahalaga na isaalang-alang ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga siklista sa mga lansangan.
(source: Balita ePaper)
============
Para sa iba pang MAGANDANG IDEYA, makinig sa TALAKAYAN at KALUSUGAN DWBL 1242 Monday-Friday 4 to 5 pm pati na rin sa The Big NM – Network Management for Filipinos at The Best Philippine Attractions










I hope they go through with this. This is a good idea